Haaaay, laking pasalamat ko sa Diyos at kami'y nakarating sa Intramuros nang maluwalhati noong Sabado.
(*tagalog, para mas historic at dramatic ang dating...)
Sa Philcoa pa lang, dami ng nangyari..andyan yung may mga na-late, 'di sumipot at nawala... pero walang papantay sa 'di pagsama ni mimi (kasalanan ko.)
Naranasan kong gawing AS-FC-CAL new building ang layo ng Philcoa sa UP at ng UP sa Katipunan. Kung 'di ako nagkakamali, 9 na beses akong paroon at parito sa mga lugar na ito para hanapin si mimi...
At nang napagdesisiyunan na namimg wala ng pag-asa na makasama si mims(SORRY, talaga!), dito na nagsimula ang "the ultimate-INTRAMUROS-trip".
Sumakay kami(AKO,si OWEN, GED at MADEL) ng bus biyaheng ORTIGAS.Bakit Ortigas?
Pinaniwala kami ng konduktor na papunta raw yun ng sakayan para makarating sa Intra..
So, sige..sakay kami. Pagbaba sa Ortigas, sumakay kami ulit ng bus papuntang Quiapo/Lawton/Manila City Hall at matapos ang humigit-kumulang isang oras, ibinaba kami sa may malapit dun sa underpass.
OWEN(galit na galit): Nakakainis yung mamang yun, niligaw tayo..Asar!!
GED: Oo nga, inikot 'ata tayo.
JEN at MADEL: Oo nga , oo nga..
Matapos ang napaaaaakahabang lakaran, sa wakas narating rin ang Intramuros..
Nakakatuwa. Panu naman, para kaming mga bata nila Owen..Mga nakangisi talaga habang naglalakad. Pagkakain namin, una namimg tinungo ang Manila Cathedral.
JEN: hahaha. D'yan ako ikakasal.
OWEN: Ako rin.
'Di ko na matandaan kung kailan ako huling pumasok dun sa cathedral. basta. Medyo matagal na rin kaya nalimutan ko na kung gaano kaganda yung Church na 'yun.
Sunod naming pinuntahan 'yung WOW!Philippines showplace. Nung naglalakad kami papunta 'run, feeling ko may time warp. Yung, bigla na lang kaming naka-baro't saya habang kasabay sila Rizal sa paglakad-lakad.. nang makarating sa WOW!, ayun na..lumabas na ang mga kakulitan naming lahat.. Picture dito, picture doon, takbo rito, takbo roon... at ito ang pamatay, pumasok kami sa kweba ng Negros Orriental sa halagang limang piso. hehehe
habang nasa daan,
OWEN: Gusto kong makakita ng mga historic ruins-ruins.(patingin-tingin sa paligid)
JEN: Ayan o, dyan pinatay yung tatlong pari. (tumuro sa mga gumuho nang simbahan)
OWEN: Hindi yan!(parang inis pa), yung ano..ano..
JEN: ?!
OWEN: Gusto kong makakita ng..ano..ayun! BOMBA.
JEN/MADEL/GED: (mamamatay-matay sa tawa)
JEN: Anong bomba?
OWEN: Yung mahabang pinapasabog 'pag may giyera.
JEN: CANNON.
OWEN: Ay! 'yun nga. (natawa sa sarili)
matapos ang walang hanggang lakaran at ang pagpasyal sa simbahan ng San Agustin , napansin naming gabi na at nag-desisyon nang umuwi..haaaaaay..
pakiramdam ko nang makauwi na sa wakas sa aking...(teka pano ba tagalugin?)hmmp. tinutuluyan na nga lang.. pakiramdam ko 40% ng polusyon sa maynila nasa mukha ko at 'yung 60% nasa damit ko..
kapagod talaga pero masaya!!!
(*OWEN,GED at MADEL, gandang birthday gift 'to, ulitin natin ito ha!)